Sa nalalapit na pagwawakas ng
teleseryeng kinagiliwan ng marami, na nagpa ngiti, nagpa luha, nagbigay
inspirasyon at pag-asa sa marami, mapa bata man o matanda…. ang family drama
series na “Budoy” ay inaasahan na mas mga kapana-panabik at makapigil-hiningang
mga eksena pa ang matutunghayan ng mga manonod.
Mula ng mapanood ng marami ang teleseryeng ito na
pinagbibidahan ng tinaguriang Drama Prince of the Philippine Screen na si
Gerald Anderson….namulat at naging sensitibo ang maraming manonood patungkol sa
mga kalagayan ng mga bata na may kapansanan katulad ng taglay ni Budoy sa drama
series na ito. Maiibilang man natin sila na hindi normal tulad ng iba sa atin,
magkaganonpaman silay tao pa rin tulad ng bawat isa sa atin na may damadamin
din na nasasaktan at marunong ding magmahal.
Sa huling dalawang lingo ng
teleseryeng Budoy, masasaksihan ng marami ang mga ibat-ibang eksena na
magaganap sa pagsagip ni Budoy sa girlfriend din nyang si Jackie (Jessy
Mendiola) at kapatid na si BJ (Enrique Gil) laban sa sindikato…..Maraming katanungan
ang masasagot sa pagwawakas ng istoryang ito tulad ng… Ano kaya ang mga
mangyayari sa pagwawakas ng teleseryeng ito? Matagumpay kayang maisalba ni
Budoy si BJ at Jackie sa kamay ng mga masasama? Mabubuo pa kaya muli ang
kanyang nasirang pamilya? Ilan lamang yan sa mga katanungan na masasagot sa
pagtatapos ng Budoy.
Dahil dito, inaanyayahan ang
lahat na subaybayan ang huling laban ni Gerald Anderson sa “Budoy” pagkatapos
ng “Walang Hanggan” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang inpormasyon, mag log-on sa www.budoy.tv,
sundan ang @budoy_tv sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/budoy.tv.
No comments:
Post a Comment